Gay-lingo : Ang Usong Gamit Ng Mga Pilipino
Miyerkules, Oktubre 19, 2016
Gay-lingo: Ang usong Gamit ng mga Pilipino
Ang Gay-lingo ay isang naimbentong wika sa ating lipunan at kalimitan itong ginagamit sa kapwa natin. Nauso ito dahil sa henerasyon ngayon at mas makabuluhan na ang pag-iisip ng mga tao ngayon. Dahil din sa mga bakla, ito'y madaling naikalat sa bawat lipunan na ating ginagalawan.
Ito ay isa sa mga nauusong linggwahe sa bawat lipunan ngunit marami pa din ang hindi nakakaintindi nito. Sapagkat ito din ang dahilan upang maaliw ang mga taong kinakausap nila. Ginagamit din ng mga bakla ito, upang maiparating nila ang kanilang gustong iphiwatig sa kapwa nila. Pero dapat ba natin itong ipausbong sa ating lipunan? Sa tingin ko, Hindi! Dahil hindi ito masyadong ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa iba. Tulad ng mga negosyante. Alam naman natin na ginagamit ng mga negosyante ay ang wikang Ingles at Filipino sa pamamagitan ng pormal na pakikipag-usap. Hindi nila magagamit ang Gay-lingo sa pakikisalamuha sa kapwa negosyante dahil nagiging impormal na ang usapan. Pakiramdam nila na naiirita sila sa pakikinig at parang binabastos mo sila. Tanging sa mga kaibigan mo lang ito magagamit para maganda ang samahan ng bawat isa sa inyo.
Tanging wikang Filipino at Ingles ang dapat nating gamitin sa pakikipagkomunikasyon. Hindi naman sa sinasabi namin na bawal gamitin ang Gay-lingo sapagkat dapat nasa tamang lugar at tamang paggamit ng wikang ito. Malimitan ginagamit mo ito sa mga kaibigan mo. "Kung hindi ka marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda" — Gat. Jose P. Rizal
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)
